R.I.B.! Exclusive: Mark Angeles
posted by GHV2 on February 8, 2010 at 11:59 AM
filed under R.I.B.! Exclusives

The author talks about his dogma of love, on self-publishing, and his first collection of poems aptly-titled "Patikim."

 makoy

Rhodge: Matagal-tagal din bago naisakatuparan ang pagpa-publish ng Patikim. Madami itong mga pinagdaanan.

Mark Angeles: Limang taong biyahe ang inabot ng Patikim.

Rhodge: Limang taon!

Mark Angeles: Humigit-kumulang. Oo, limang taon…

Marami talagang tulang nadagdag at nabawas. Yung manuskritong ipinasa ko sa UST Press para rebyuhin nila ay iba sa current form ng Patikim na inilabas ko ngayon.

Rhodge: Hindi ka ba nagdalawang-isip na ang unang koleksyon mo ng mga tula ay tungkol sa pag-ibig? Na sabi nga'y isang "gasgas" na paksa?

Mark Angeles: Dynamic at maraming mukha ang pag-ibig kaya hindi ako natakot na ma-brand na cliche.

May sarili naman akong sipat sa pag-ibig dahil batay ito sa karanasan ko na kaiba sa iba sa maraming paraan.

Para sa akin, isa sa pinakamagandang tulay ang tula ng pag-ibig kahit pa sa mga hindi mahilig magbasa ng tula dahil lahat tayo ay dumadaan dito. Para itong istasyon ng tren kung saan lahat tayo ay nakakasalubong ang isa’t isa.

Rhodge: True. Binabasa ko ang orihinal mong "Dear Diary, na-in love ka na ba?", which serves as the foreword ng koleksyon mo. Siyempre, edited version na ung lumabas sa na-publish na Patikim.

Ipinupunto mo sa orihinal na teksto ung kung "paano inaangkin ng isang tao ang kaniyang kapwa na para bang isang private property." At itong pananaw ay, para sa akin, litaw na litaw sa kabuuan ng Patikim.

Mark Angeles: Yun ang nakagawian nating mahirap iwaksi sa pagtingin natin sa pakikipagrelasyon. Mga kaisipang pyudal at kolonyal. Halimbawa, ang mababang pagtingin sa asawa o katuwang.

Kahit sa mga panahong ito, may mga relasyon pa ring mapamuksa. Maraming hindi nagpapahalaga sa opinyon ng kanilang “partner in life”. Maraming tingin sa kanilang partner ay parausan o utusan lang.

Gusto kong makita ng mga mambabasa ang danas nila sa mga nasulat kong tula, gawing salamin ang mga tula, at pagmulan ng – hindi lang insight kundi – pagkamulat at pagbabago.

Rhodge: Pero ang mga boses ba sa mga tula ng Patikim ang "oppressed" side ng pag-ibig/ o ng isang relasyon?

Mark Angeles: Hmm... Namangha ako sa obserbasyon mo. Wala akong matandaang boses/persona ng oppressor sa koleksyon.

Rhodge: True.

Mark Angeles: Karamihan din ay mga boses ng tiwalag o naiwan.

Rhodge: Mas madalas ang mga naiwan.

Mark Angeles: Siguro dahil ito sa kagustuhan kong malinawan sa mga nangyari rin sa akin bilang "naiwan". Gusto kong makaugnay sa mga mambabasa na nasa ganitong stage kung hindi man maalala nila iyong mga ganoong tagpo.

Rhodge: So masasabi na ang Patikim ay autobiographical, na totoong base sa mga pag-ibig mo. Ganito, ano ang pinakapaborito mong tula sa koleksyon, iyong magsasabi talaga ng sitwasyong pag-ibig mo sa ngayon?

Mark Angeles: May mga tula akong isinama sa koleksyon na ipinalagay kong ako iyong nasa persona. Halimbawa, yung tula tungkol sa sagutan ng magkasintahang Komunista [Liham na Lihim kung saan nasa countryside yung nagpadala ng liham sa kanyang karel]

Marami akong paboritong tula roon. Gusto ko sanang sabihin na ito ung last poem, Sa Pagitan Natin, dahil ito ang dogma ko ng pag-ibig. O kaya iyong Memorya, yun ang summit ng pagngunguyngoy ko sa naunsiyami kong pag-ibig. Pero sa mas personal, ito ung One Night Only. Para siyang isang testamento na gusto kong ipabasa sa unang pagkikita namin ng potensyal na makarelasyon. “Sisirin mo ako hanggang buto,” sabi nga sa tulang Kung Ibig Mo Akong Makilala ni Ruth Elynia Mabanglo

Rhodge: Ano-ano ang mga ikinunsider mo nang nagpasya kang mag-self-publish for Patikim?

Mark Angeles: Finance, distribution. Kung ilalabas ito ng isang malaking press masisiguro na sasagutin na rin nila mula lay-out hanggang sa distribution sa mga outlets. Pero naisip ko rin na hindi ko mahahawakan ang kontrol sa libro. Halimbawa, mapapansin na walang pagination ang Patikim, at wala ring ISBN.

Rhodge: At nalimitahan ka rin sa bilang ng mga maisasamang tula...

Mark Angeles: Ako na mismo ang nag-excise sa ibang mga tula sa Patikim. May mga lima sigurong nawala. May mga idinagdag din kasi akong mga bagong tula kasama na yung mga hindi ko pa napo-post sa blog ko at Yahoogroups.

Rhodge: Ano ang pinakamahirap na gawain nung nag-decide ka na mag-self-publish?

Mark Angeles:Siyempre sakripisyo ung sa pinansya. Galing sa ipon ko yung ibinayad sa lahat ng kopya ng Patikim. Pero sabi nga nila, pera lang yan, madaling kitain.

Nahirapan lang ako sa pag-distribute. Ako mismo kasi ang nakikipagkita sa mga bumibili. Ako ang naghahatid ng kopya ng Patikim. Kahit yung pagpunta sa LBC o JRS Express. Nakilala na nga ako ng mga ahente nila. Pero sa tingin ko naman may mabuting naidulot din ito sa akin dahil ako yung laging tumatakas at nagtatago.

Rhodge: Tumatakas at nagtatago?

Mark Angeles: Naging recluse kasi ako. Umabot hanggang sa hindi na ako pumupunta kahit sa events ng Kilometer 64 (Yahoogroup kung saan ako miyembro). Thru text at online lang ako nakaka-usap.

Rhodge: Any regrets sa mga bagay na nangyari/nangyari sana for Patikim?

Mark Angeles: Wala akong regrets sa lumabas na produkto ng Patikim project. Una pa lang kasi gusto ko na mai-identify ung itsura ng materyal sa The Little Prince. Masaya ako na white ung cover, nagdagdag pa ako ng bayad para ma-laminate un para hindi maging marumi pagtagal. Yung pages din puti. Solve na solve ako run! Yung pagpipilit ko na walang pages. Yung font face (Perpetua) pati yung pagkakaayos ng mga tula, ako talaga ang may desisyon ng lahat.

May isang dalawang tulang gusto kong gawan ng minor revision. Pero ang bagahe ko lang sana ma-distribute din siya sa mas malawak na audience.

Rhodge: Any exciting project after Patikim?

Mark Angeles: After Patikim, yung publication naman ng Emotero. I still have to decide if I will declare  it a collection of dagli or prose poems. Mahirap ikulong sa genre yung mga nasulat ko run.

May storyline din ako para sa isang graphic novel na nabinbin, ito yung Project Lighthouse. Naghahanap pa ako ng illustrator.

Rhodge: Bilang huling katanungan, paano magmahal ang isang Mark Angeles?

Mark Angeles: Emotero. Pero seryoso, malinaw sa akin ang pagkakaiba ng pagmamahal para sa isang kapamilya, sa kaibigan, sa katuwang. May respeto ako sa mga kaibigan at pagkamuhi sa mga kaaway. Tinutukoy ko talaga kung yung makikilala ko ay hanggang tikim lang o for life. Ang kahinaan ko lang, madalas akong manghinayang sa nasayang na relasyon. Dahil alam ko na mas malawig at matarik pa ang kayang ibigay ng isang tao kapag totoo siyang nagmamahal.

Anything?



Elsewhere
posted by GHV2 on February 6, 2010 at 01:21 AM

Maanghang ka ba?
PATIKIM

Book Launching ng Patikim ni Mark Angeles
February 19, 2010, 6-9pm

Conspiracy Bar, Visayas Ave., Quezon City

Anything?



« Newer | »

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content