Finally, nakarating na din ako ng Kanlungan ni Maria. Siyempre kasama si Kuyatot ko. I'm thankful na nakasama ako sa isang hapong pamamasyal ng elders sa MMLDC sa Antipolo City. Nagkaroon pa ng bird show, tapos inilibot na namin ang mga lolo at lola sa Aviary ng MMLDC. Salamat din kina Aries at Letlet (lovable couple!), Marie (na talagang tsinika namin ang lovelife), kina Mommy at Leanne (salamat sa ride), at sa HOM pips. Kitakits uli!
Napansin ninyo ung foreigner sa ilang pictures? Siya si Juris, from the Netherlands. Brilliant mind. HOM volunteer din. Nakakatuwa, kasi nung nakita siya ng mga lola, sabi nila may Amerikano daw kaming kasama. At talagang nag-flirt ang mga lola ha! Ung mga simpleng pasulyap-sulyap pag nasa malayo si Juris, o kaya phot-op kasama siya. Ung last pic, si Lola, talagang na-love at first sight kay Juris! Sobra!
Music :: It's Not Over - Daughtry
2 Said So

soulfly

GHV2
