Para sa aking I-Know-A-Cutie Project this year, una kong ipakikilala sa inyo ang ka-fellow ko sa Batch Sidhay ng LIRA, si Phillip Kimpo Jr. Baka nabasa ninyo na ang kaniyang mga article sa Internet. This guy is quite an achiever at a young age of 23. More information about this amazing guy sa kaniyang summary web page.
Rhodge: OK, first time ko na talagang mag-interview ng isang celebrity. Haha! Una sa lahat, paano mo ipapakilala ang isang Phillip Kimpo Jr.?
Phillip Kimpo Jr.: Celebrity ka diyan.
Simple lang. Manunulat at makata. Mahilig magbasa; sa Internet ginugugol ang oras (dahil na rin ang apat kong trabaho ay Net-based); mahilig sa mga "miniature" na eroplano atbp (sige na -- laruan na, kesa miniature); mahilig sa agham, kasaysayan, urban planning, cartography, basketball, at video games. Gustong tumanda ngunit hindi bumibitaw sa pagkabata.
Sa Ingles, isa ring "man of contradictions"; siguro'y mas mapapaliwanag ng mga malalapit sa akin kung bakit.
Rhodge: Hmmm, paano ung "man of contradictions?"
Phillip Kimpo Jr.: Hehe. Gaya nang nasabi ko, mas masasagot siguro iyan ng mga taong malalapit sa akin. Hindi ko pa kilala ang sarili ko -- marami naman sa atin ay ganoon.
Pero kung kokornerin ako sa dingding para magbigay ng sagot: marami akong paniniwala, ginagawa, at sinasabi na salungat sa isa't isa (o kaya'y "mutually exclusive" dapat).
Isang mababaw na halimbawa: kilala ako ng mga taong malapit sa akin bilang isang madaldal at pala-kuwentong tao. Pero sa loob-loob ko ay mas kumportable akong manahimik, nasa bahay, at nagbabasa (o nagsusulat) na lang.
Isa pang halimbawa: Metikuloso ako at natawag nang perfectionist. Pero parang parte rin ng personalidad ko ang pagiging burara at walang-paki.
Huling halimbawa: Deboto ngunit makasalanang Katoliko ako. Hayun, kontradiksyon na iyon. Kontradiksyon, para sa akin ha.
Rhodge: Haha! hindi ko pa nakikita ung makasalanang ikaw.
Phillip Kimpo Jr.: Aba, kasama na sa pagiging makasalanan ang pagiging palamura. Hahaha.
Rhodge: Teka, pag sine-search kita sa Internet, synonymous sa name mo ang The Corsarius. Ano ba ung term na ito?
Phillip Kimpo Jr.: Ah. Mahabang kuwento iyan. Una, ang Corsarius ay Latin ng salitang "corsair", o pirata.
Rhodge: OK. Captain Hook, ikaw ba yan? Hehe!
Phillip Kimpo Jr.: Nakahiligan ko itong salitang ito noong high school ako. Alam mo na, iyong punto ng buhay natin na naghahanap tayo ng maayos na online nickname para sa YM at ano pa.
Una kong nabasa ang salitang "Corsarius" sa isang nobelang sci-fi. Noong high school ako, wala pa masyadong kahalagahan ang nickname na iyon para sa akin. Wala lang, "cool" at unique lang. Pero habang tumatanda ako ay nabibigyan ko na siya ng mas malalim na kahalagahan at kahulugan. Para bang “retrofitted” ang meaning.
Mas malalaman ‘yon sa isang sanaysay ko sa tinatapos kong aklat ng mga kuwentong personal, ang Corsair of Cordillera Street.
Rhodge: Ayan, excited na ako sa koleksyon mong yan. Only child ka di ba?
Phillip Kimpo Jr.: Opo. Hehe. Sa kasamaan at kabutihang palad.
Rhodge: Na-spoil ka ba ng father mo?
Phillip Kimpo Jr.: Hmmm. Talagang pag only child, 'yan ang kasunod na tanong 'no? Hehe.
Sa isang banda, oo -- wala naman siyang ibang pagbubuntunan ng pansin at pagmamahal. (Naks ang korni.) Sa isang banda, hindi -- iba rin kasi kapag ama (lalaki) ang nagpalaki sa iyo. Lalo na may pagka-disciplinarian siya.
A, kung tutuusin pala, siya ang unang Phillip Kimpo na "man of contradictions." Sumunod lang ako. Kontradiksyon din kasi sa kanya na napapagsabay niya ang pagiging malambing at malumanay sa pagiging disciplinarian na malakas mamalo sa puwet.
Rhodge: I see. Gusto ko i-congratulate ang father mo kasi ang ganda ng pagpapalaki niya sa iyo. Totoo yan ha!
Phillip Kimpo Jr.: Naks naman. Salamat. Ipaaabot ko sa kanya. Hindi sa pagmamayabang, pero marami-rami na rin ang nakapagsabi sa kanya niyan. Magpalaki ka ba naman ng anak mag-isa e.
Rhodge: Uy, mahirap magpalaki ng anak nu? Hehe. Next question. Lagi kita nakikita na naka-shirt, pants, at UP jacket. Hindi ba kita makikita na naka-shorts man lang or sando?
Phillip Kimpo Jr.: Shorts at sando? Hahaha. Sa apat na taon ko noon sa UP, hindi pa lalagpas sa sampung beses na pumasok akong naka-shorts. Sando, hindi pa. Wala naman akong ipagmamalaking braso e hehe.
Rhodge: Heto, briefs or boxers?
Phillip Kimpo Jr.: Briefs.
Rhodge: OK. Anong size? Haha!
Phillip Kimpo Jr.: Secret. Haha!
Rhodge: Haha, ayan, mapag-iisip na ako nyan pag nagkita uli tayo.
Rhodge: Hindi ba nagrereklamo kung sinoman ang nakaka-relasyon mo na me umaaway sa kaniya kasi wafu ang bf nya?
Phillip Kimpo Jr.: Hindi pa naman...pa. Pero pakiramdam ko ay mangyayari rin hahaha. At ngayon ko lang narinig 'yang term na 'yan a. Wafu. Takte.
Rhodge: Nyaiks! matagal na naming gamit iyang word na yan. Haha!
Phillip Kimpo Jr.: Maishare nga ‘yang term na yan. Paano pag maganda? Wafa?

Rhodge: Ay, wala sa vocabulary namin ang maganda. Wafu lang. Hahaha! OK, next question. So aware ka na wafu ka?
Phillip Kimpo Jr.: Oo. Mula pa lang kasi bata ako ay bukambibig na 'yon ng mga kamag-anak (pero siyempre, kaya nga kamag-anak) at kaibigan ng ama ko ("Maraming papaiyaking babae ang anak mo!"). Pero siguro college lang talaga ako naniwala doon. Noong grade school kasi e fat kid ako, at noong high school e anorexic na pimpulin.
Mabanggit ko na rin lang...maraming beses ay naaasar ako sa mukha ko. Hindi ko gusto. Hindi ko alam kung dahil kamukha ko ang ina ko (na iniwan ako noong bata pa lang), o dahil hindi ko gusto ang tabas ng kilay at mata. Masyadong matapang.
Rhodge: So kung may ipapabago ka sa face mo, ung mga nabanggit mo ang mababago?
Phillip Kimpo Jr.: Hmmm. Hindi na rin. May mga nagsabi sa akin na ito raw ang kapansin-pansin sa mukha ko e. Status quo na lang. (Hindi rin magulo ang isip ko ‘no? Punong-puno ng mga kontradiksyon.)
Rhodge: What do you think is the sexiest part of your body?
Phillip Kimpo Jr.: Dahil payat ang mga braso’t binti ko at wala akong six-pack (at dahil gusto kong gawing General Patronage ang interview na 'to)...mukha.
Rhodge: Hehe OK. Ako, I think it's your brain/mind. I find it sexy.
Phillip Kimpo Jr.: Naks, salamat. Di ko naisip 'yon a. Samantalang isa pa naman 'yon sa mga traits na hanap ko sa babae!
Rhodge: Ok, so aware ka na wafu ka. Have you used your charms/kawafuhan to get something? Like, do you get loads of special treatment when you go out?
Phillip Kimpo Jr.: Isa akong dakilang torpe. Kaya sa bentre tres taon ko sa mundong ibabaw ay hindi ko man lang nasubukang gumamit ng "charms". Pero napapansin ko naman na mas magalang at mas malaki ang ngiti ng mga saleslady at receptionist sa akin.
Halimbawa, pagkalabas namin ng Pizza Hut, ngiting-labi ang ibinigay ng waitress sa kasama ko. Pagharap sa akin, ngiting nakalabas ang ipin na. (Hindi ngising aso ha!)
Rhodge: Di ka pa naman nasungitan?
Phillip Kimpo Jr.: Sa mga babae, harap-harapan, hindi. 'Yung tipong masungit na talaga pagkatapos ay napadaan lang sa akin. Sa mga lalaki, oo. Magalang lang noong hindi pa ako bumibili. Pagkabayad, biglang lamig. May mahahalata pa ngang irita e. (E hindi naman ako magulong mamimili. Bilis-bili, labas-kagad ako.)
Rhodge: Eto. May nakapagsabi na ba sa iyo na hanggang face value ka lang, na tipong underestimated ka at kinonsider ka lang na wafu?
Phillip Kimpo Jr.: Hindi pa naman. Siguro dahil mula grade school ako ay nauuna akong makilala sa mga gawa at achievements. Mapa-acads, student org, o pagsusulat man.
Mayroong sinabi ang Rusong si Andrei Tupolev noon: "A good looking plane cannot fly badly." Sikat si Tupolev sa mundo ng aviation, pero inintindi ko ang kanyang sinabi upang sumaklaw sa mga tao. Kung pinagpala ka sa mukha at pisikal na anyo, siguraduhin mong papantay -- o hihigit -- ang mga gawa mo.
Rhodge: You've always been an achiever.
Phillip Kimpo Jr.: Parang ganoon na nga. Grade school, nerdo ako. High school ako, patapon na ang grades ko at wala na akong direksyon sa buhay (cliche pero ganoon talaga), pero bigla akong hinulugan ng langit ng isang di-inaasahang pagkapanalo sa isang journalism contest. Mula noon ay tuloy-tuloy na hanggang college. Ngayong graduate na ako...isang malaking tandang pananong. Sa ngayon. (Sana’y maging isang malaking tandang padamdam.)
Kilala rin ako ng mga malalapit sa akin bilang isang "glory first, gold later" na tao. Mas malaki ang halaga para sa akin ng tinatawag na legacy, ang iiwan mong pangalan, kesa sa pera.

Rhodge: Ngayon ko lang nalaman ang kuwento mong iyon nung high school ka. Bakit naging ganun naman?
Phillip Kimpo Jr.: Hindi ko rin sigurado. Pwedeng dahil mula sa pagiging "Da Man" noong gradeschool (sa LSQC) ay naging ordinaryo bigla sa Pisay. Pisay kasi 'yon e. Parang mini-version ng UP. Ang matalino, pag pumasok, nagiging bobo. Bobo, hindi sa sariling galing, pero sa mataas na pamantayan ng paaralan. Kung matalino ka pa rin sa pamantayan ng Pisay, syet, diyos ka na. O banal ang pagiging masipag.
Tsaka siyempre, adolescence ko noon. Hindi mawawala ang pag-ibig. Ang LSQC kasi ay all-boys school. Kaya pagdating sa Pisay na coed, alam mo na. Raging hormones and all. Nakatulong sa pagkasira ng grades ang mga crush, na tinatawag noong "true love."
Panahon din 'yon ng StarCraft, isa sa mga dahilan ng paglagpak ko. Langyang video games 'yan.
Rhodge: Haha! Parang mas pilyo ka nung high school. Madami ka bang pinaiyak na girls?
Phillip Kimpo Jr.: Naku, napakamaling akala. Hahaha. Torpe nga di ba. Ako kamo ang pinaiyak. Dalawang babae. 'Yung isa, mula 3rd year HS hanggang 1st year college.
Rhodge: Hmm. Malas naman nung girl at pinakawalan ka... Anyways, any type of girl you always fall for?
Phillip Kimpo Jr.: Mahirap na tanong 'yan a. Hindi naman kasi ako mapili. May bias ako sa maputi (chinita o tisay), pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako nagkakagusto sa morena. At hindi looks ang pinakamahalaga sa akin.
Ang pinakamahalaga: matalino. 'Yung tipong makaka-intellectual discussion ko, ke agham man yan, literatura, o politika.
Susunod na mahalaga: Kapwa artist. Alagad din ng sining.
Rhodge: Next question. Nakakatanggap ka ba ng proposal from gay? Paano mo hina-handle un?
Phillip Kimpo Jr.: Medyo marami na, pero walang outright proposal. Hindi pa umaabot sa deretsahan kumbaga. Mga halimbawa: pagtatanong ng oras sa dyip (at pagkatapos ay kung ano-ano na ang pahiwatig) at pagtatanong ng number sa loob ng CR (takte nakakatakot!). Pero dahil wala akong interes, hindi na tumutuloy sa kung anuman ang dapat itanong o sabihin.
Kapag nakakabastos ang tao, binabastos ko rin. Naniniwala kasi ako sa mata sa mata, ngipin sa ngipin e. Pero kung magalang naman, magalang din ako.
Halimbawa, noong college, may ka-batch kami na dapat pala ay magbibigay ng bouquet ng rosas sa akin. (Valentine’s Day noon.) Kaso, sinabihan siya ng kabarkada ko na straight ako. Ayun, hindi na tumuloy. Kung tinuloy niya 'yon, pasasalamatan ko naman siya para sa abala, at magiging mabait ang pagpapaliwanag na maghanap na lang siya ng iba.
Rhodge: Ano ang pakiramdam mo pag may tumitingin na girl/gay sa crotch area mo? Similar sa ginagawa ng guy sa boobs ng girl?
Phillip Kimpo Jr.: Nakakabastos, lalo pag garapalan. Noong naranasan ko nga 'yon, ang nasabi ko sa sarili ko, "Ganito pala ang nararamdaman ng mga babaeng hinuhubaran sa tingin."
Pero kung maganda 'yung babae....hehehe.
Rhodge: Next, ano ang latest mong binabasa?
Phillip Kimpo Jr.: Latest na binabasa? Masyadong marami, sabay-sabay. Lagpas isang daan ang to-read pile ko ng mga libro at magasin. Pero inuuna ko muna ang mga creative nonfiction (dahil ito rin ang forte ko) at mga tula sa Ingles at Filipino. Kakatapos ko lang ng isang Rio Alma, susunod ang kay Jerry Gracio. Pati na rin pala ang mga nobela ni Milan Kundera. Sa magasin, mga art mags o catalogs.
Rhodge: Hmmm. Adavantage ba sa writing career mo na ikaw ay “independent professional”? Hindi mo talaga type na mag work sa normal na "9 to 5" na work?
Phillip Kimpo Jr.: Bentahe at di-bentahe. Bentahe, kasi dapat ay marami akong free time at flexible ang sched ko. Di-bentahe, kasi masyado akong maraming kinuhang raket, at nakakapagod sa utak na tungkol sa pagsusulat ang trabaho, pagkatapos magsusulat din ako para sa sining ko.
Ayaw ko talaga sa 'normal' na 9 to 5, pero hindi lang dahil sa di ko gusto -- sakitin kasi ako. Madali akong mapagod sa araw-araw na pasukan. Kaya naman mula grade school hanggang college, marami akong naging absent. Sa UP, sa lahat ng klase ko, naka-maximum absences allowed ako (6 per sem).
Rhodge: Your family's from Aklan, right? What's something about you that's very Aklanon?
Phillip Kimpo Jr.: Dugo. Ama, ina, lahat ng lolo at lola -- puro Akeanon sila. Pero kung usapin na matatawag ba akong 'tunay' na Akeanon? Pwedeng mahanapan ng butas 'yan. Lalo na't hindi ako marunong magsalita ng Akeanon (kahit nakakaintindi ako ng kaunti) at dito na ako sa Maynila isinilang at lumaki.
Pero kung ako ang tatanungin, ke marunong ako mag-Akeanon o hindi, Akeanon ang turing ko sa sarili ko. Mahal ko ang lalawigan namin, at sinisigurado kong makauwi sa Kalibo bawat taon (at hindi lang dahil gusto kong mag-Boracay!).
Rhodge: Akeanon ba? Hindi ba Aklanon?
Phillip Kimpo Jr.: Oo, Akeanon. Pinapalitan kasi ng diphtong na "ea" ang "l" sa wika namin. At hindi rin saktong "ya" ang pagbigkas sa diphtong na 'yan. Kaya sobrang hirap magsalita ng Akeanon! Hehe.
Rhodge: Ah OK! Ganun pala. Mahirap nga bigkasin. Next question: You're for the welfare and protection of animals. What drove you to become one?
Phillip Kimpo Jr.: Nagmana lang ako sa ama ko. At saka mula pagkapanganak ko hanggang ngayon e mga alagang aso lang ang nagsilbing kapatid ko. Ngayon, may 3 aso at 6 na pusa kami.
Hindi ko talaga kayang nakakakita ng hayop na sinasaktan o nasasagasaan. Para sa akin, puro ang diwa ng mga hayop. May kaluluwa sila, pero wala silang muwang sa mga konsepto ng malisya, galit, inggit, at ano pang nakapagtutulak sa mga tao upang makagawa ng masama. Kaya kapag may nakikita akong hayop na inaabuso, parang isang inosenteng batang inaabuso ang nakikita ko.
Mas mapapansin ang pagiging malambot ng puso ko para sa mga hayop sa tinatapos kong libro. (Pasensya na sa pagpa-plug. Haha.)

Rhodge: Your biggest regret?
Phillip Kimpo Jr.: Kung hindi ko pag-iisipang mabuti, marami akong maidadaldal na 'regret'. Na sana nalaman kong may Philippine HS for the Arts pala, na sana hindi na lang ako nag Engineering na kurso, na sana hindi ko na lang pinatagal nang 3 taon 'yung panlilígaw / pagkaligáw sa isang babae.
Pero pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip: ayos na ako sa lahat ng nasa itaas. May silbi silang lahat, lalong lalo na sa paghahanap ng mga paksang maisusulat. Ang magiging biggest regret ko na lang siguro ay naging kulang ang pag-aalaga ko sa tatlong alagang aso namin na namatay nitong mga huling taon.
Rhodge: About the PHSA, hinayang din ako dun. Hay, yung aso ko naglalambing ngayon dito. Hi daw. Hehe.
Phillip Kimpo Jr.: Hahaha! Anong breed?
Rhodge: Black Labrador.
Phillip Kimpo Jr.: Wow laki nyan a! Sa amin ay mga half-dalmatian at askal. Pumanaw na ang dalmatian namin e.
Rhodge: 1 yr pa lang. Sadly, maliit siya talaga. Ewan kung dahil bunso siya.
Phillip Kimpo Jr.: Baka stunted growth?
Rhodge: Pwede na din na maliit lang siya, kasi katakot pag super lumaki siya. Anything about you that we'd be surprised to know?
Phillip Kimpo Jr.: Tungkol sa akin na ikagugulat niyo? Haha, hirap naman niyan. Hindi dahil wala nang makagugulat sa inyo...pero dahil marami.
Magbibigay na lang ako ng dalawa. Una, nakakatakot ako kapag galit. Hindi na ako 'ako' pag galit, at mabilis din uminit ulo ko. Ikalawa, mahilig ako sa baby talk (o baby sounds?) sa taong mahal ko.
Incredible Hulk + Pikachu. O di ba man of contradictions nga?
Rhodge: Hahahaha! Gusto ko marinig yang baby talk na yan!
Phillip Kimpo Jr.: Ang baby talk e in person dapat marinig. Haha!
Rhodge: What's your philosophy in life?
Phillip Kimpo Jr.: Philosophy in life? A, hindi ko pa napag-isipan 'yang ganyang kalalim na tanong. Siguro dahil ang lagi kong iniisip ay kung ano ang puwede kong maiwan sa mundong ito, kung ano ang puwede kong magawa para sa ibang tao, kung paano maaalala ang pangalan ko. Alam ko, 23 anyos pa lang ako at baka masyado pang bata para pag-isipan 'yon, pero sadya kasing ma-drama ako.
Pwede na kayang "Philosophy in life" 'yun? Sa tingin ko, pwedeng-pwede.
Rhodge: Give us 10 things na ini-enjoy mo ngayon, or fave mo, basta ung "hit" sa iyo.
Phillip Kimpo Jr.: 1) Books
2) Art magazines
3) Computer games
4) Miniature models (planes, tanks, ships, cars)
5) Basketball (anything about; UP Fight! Go San Beda, Purefoods, Chicago!)
6) Nissin wafer sandwich
7) Moleskine notebook
8) National Geographic Channel
9) X-Files (mga replay sa AXN Beyond)
10) Pets!
Phillip Kimpo Jr.: ‘Yun!
Rhodge: Ayos! Kumusta ang progress ng book mo?
Phillip Kimpo Jr.: Hay. Nasabi ko na ata sayo na August ang target ko. Guess what, I'm moving it to November. Wala akong naisulat nung June at July e. Argh. Although I'm only around five essays away from completing it.
(Hala nag-Taglish na. Sensya na. Hirap kasi sa utak na magpalipat-lipat sa English prose at Filipino poetry hehe. At dahil English book na ang napag-uusapan… )
Rhodge: Wow, five na lang! Kaya mo yan!
Phillip Kimpo Jr.: Kaso gusto ko kasi may diversity ‘yung topics. Kaya di rin ganoon kadali tumapos ng lima, kahit “flash essay” lang ang haba nila. (Term ‘yan na ginamit ni Ma’am Ophie Dimalanta.)
Rhodge: Talk about me sa isang essay, haha! Ano ang ma-e-expect namin sa first book mo?
Phillip Kimpo Jr.: Based from the title, maraming essays ang nagbabanggit sa Cordillera Street, kung saan ako lumaki at nakatira. Corsair pertains to me / the personal nature of the book; ako nga si Corsarius di ba. May halo-halong social commentary, love, growing up, etc., pero lahat ay personal. Incidental na lang kung nagkaroon ng social tone, animal rights, etc.
Rhodge: Ayan, kaabang-abang talaga ang book na iyan! I'm so proud of you, Phillip!
Phillip Kimpo Jr.: Maraming salamat!

6 Said So

Meg (guest)

Nice interview! So proud of you & Kimpo.
Lovelots,
MEG
PS
Hope to see yah soon!
GHV2

sketches

Intellectually stimulating ang naging repartee nyo.
Five stars!
GHV2

jokefan (guest)
GHV2
