August 17th, 2008
Our Love for Glove Doves: A Success!
Successful ang lecture ni Sir Paolo Manalo kahapon. In cooperation ito ng Pinoypoets at ng Filipinas Heritage Library.
Aliw si Sir Paolo, napaka-down-to-earth kahit sikat na. Never nagbago ang pagtingin niya sa amin kahit apat na taon na ang nakakaraan nung nag-panel siya sa first poetry workshop ng Pinoypoets. Kalog talaga siyang tao! Nagkaroon ako ng chance na usisain ang kaniyang pakikipagsapalaran sa University of St. Andrews sa Scotland. Mabuti medyo nakapag-research ako ng kaunti. Hehe.
At ang ganda sa Filipinas Heritage Library! Sobrang ginaw pa sa loob (or sa Filipiniana section lang?). Sayang lang kasi di namin masyado na-explore ang lugar, ang mga libro sa shelves. Natagpuan pa namin ang pusa ni Miss Conchitina Cruz...
Malaman ang ibinahaging panayam ni Sir Paolo tungkol sa paraan ng pagra-rhyme ng mga naunang Filipinong manunulat sa Ingles. Nagbigay siya ng mga halimbawa, katulad nina JF Sinukuan, Angela Manalang Gloria, Jose Garcia Villa. (Sana makuha namin ang transcript mula kay Ronald Lim ng Manila Bulletin, para ma-post sa Pinoypoets Yahoogroup.)
Nakilala pa namin si Paulo mula sa San Beda - Alabang. Aabangan namin ang pagsali ng bagets na ito sa grupo. Welcome, Paulo!
Sa Cafe Bola kami tumuloy for dinner. Medyo pricey pero keri na din.
Then relax-relax sa katabing Oody's. Sumunod si Siquey mula sa kung saan. Me photo session kami sa Oody's with the pandan-and-tanglad ensemble. Taray, parang Miss U lang sa Vietnam!
Si Sir Paolo muna!
Tapos si Xam!
Si Emong!
Si Tito Rolly!
At siyempre, ang inyong lingkod.
***
Marami pang larawan dito.
sketches

soulfly

--bk me mumu. haha
miss yunibers ba sa huling picture?
GHV2

Ung last pic, effortless...
soulfly

GHV2

soulfly

next time na lang ahha