Share ko lang itong text message from a girl friend. Noong una, natawa ako sa message. Pero nang nalimi ko ang nilalaman nito, nalungkot ako.
Tatay: Anak, bakla ka ba?
Anak: Opo.
Sabay lubog ng mukha ng anak sa harina.
Tatay: Ano? Ngayon, lalaki ka na ba?
Anak: Geisha na po.
Nagalit ang tatay, sabay nilubog ang mukha ng anak sa baldeng puno ng tubig.
Tatay: Ngayon, ano ka na?!! Sagot!!!
Anak: Dyesebel na po.
Nagalit lalo ang tatay, kaya pinaso niya ang anak ng plantsa hanggang sa ito'y mangitim.
Tatay: Punyeta ka! Ano ka na ngayon?!!!
Anak: Ako na po si Beyonce. Hot ko noh??!
***
May isa akong tula na ginawa na kapareho ng dinanas ng anak sa text message na ito. Takda ko ito sa LIRA noon, naatasan kaming gumawa ng tula na tungkol sa poot. Nasa anyong pantoum ang tula.
Pantoum ng Pag-ibig
Pagkatapos marinig ang kuwento ni A.
Pinuno ni Itay ng amor ang batya,
Tuloy ang pag-iyak kahit mata’y mugto.
Ginawa na niya ang kaniyang sadya,
Ulo ko’y ‘nilublob nang aking matanto.
Tuloy ang pag-iyak kahit mata’y mugto.
Ang tangka’y ituwid ang isipang bakli:
Ulo ko’y ‘nilublob, nang aking matanto
Kung ano ang tama, kung ano ang mali.
Ang tangka’y ituwid ang isipang bakli,
Kaya sinarili ang aking lunggati.
Kung ano ang tama, kung ano ang mali,
Kahit dulot nito’y labis na pighati.
Kaya sinarili ang aking lunggati
Nang ginawa niya ang kaniyang sadya.
Kahit dulot nito’y labis na pighati,
Pinuno ni Itay ng amor ang batya.
Music :: A Very Special Love - Sarah Geronimo
Show :: 24 Oras
4 Said So

soulfly

GHV2

l-mangyan-l

nakakaawa..di bukas ang kanilang isip...
GHV2
