August 29th, 2008
Pay Day
Every 14th and 29th of the month ang pasuweldo sa HTMT. Dahil August 29 ngayon, sumuweldo kami kanina. Mabuti naman at maagang ni-release ang kaban ng bayan, wala na akong maipamba-budget e.
Today rin pala ang last suweldo naming taga BB. By September 5, dissolve na ang account namin.
Ang daming pumila kanina! Para lang pila sa bigas. Akala ko pila sa For The First Time e.

Hindi ko na napiktyuran ung pila sa likod kasi pinandidilatan ako nung isang guy. Feeling niya stalker niya ako. Haler.
Grabe ang init ng sikat ng araw kanina kaya naka-payong kami habang nasa pila. Naunang makapila ang ilang teammates ko. Piniktyuran ko tuloy sila.

Si Glenes, si Rose, at si Mommy Ruth. Hehe.
Tapos me commotion pa kanina. Me isang girlalu na pumasok sa compound ng pabrika na HTMT, kabuntot ang isang traffic enforcer. Tiniketan daw siya kasi color-coding ang kaniyang car. Kailangan niya mag-pay ng 700 pesopesoses. E ang haba ng pila at nasa dulo siya nito. Ayun, nakiusap tuloy si girlalu na mauna na siyang mag-withdraw.

Ayan, kawawa naman si girlalu. Pero naman, di niya ba alam na coding siya ngayon? Guilty tuloy beyond reasonable doubt.
Ung traffic enforcer, hinanap si girlalu sa Manong Guard sa may gate ng HTMT. Hindi ako makaalis sa pila ko (at baka me sumingit!) kaya medyo malabo ang kuha ko ke traffic enforcer at Manong Guard. Malayong shot.
Nung nakapag-paysung na si girlalu sa traffic enforcer, boring na uli sa paghihintay sa pila. Piniktyuran ko naman ang shadow ko. Parang nakakendeng lang ng effortless ang shadow kong malandi.

Grrrrrrrr, kainis talaga ang mga yosi people sa HTMT. Tsk tsk tsk.
Doncha reading the madapaker sayn?
