Lingayen, Pangasinan trip
posted by GHV2 on November 4, 2008 at 07:40 AM
filed under The Big World!

4 PM na kami nakarating ng house sa Valenzuela kahapon. Nakakapagod ang biyahe pauwi, pero masaya. 

***

Hinding-hindi ko talaga gusto ang pumupunta sa mga sementeryo, pero syempre kailangan kong gawin un nung umuwi kami ng Pangasinan. Tumuloy kami sa house ng youngest sister ni Daddy na si Auntie Nancy. Ang lapit-lapit ng bahay nila sa camposanto (sementeryo). Naalala ko noon, ayokong aabutan kami ng gabi kina Auntie kasi nakakatakot talaga. Tapos panay pa ang kuwentuhan na maraming nagpaparamdam sa lugar nila, kasi nga malapit sila sa camposanto. Waaah!

q e w s d s

Pag pala Undas, panahon iyon ng pagpapalipad ng mga saranggola! Mapa-bata o matanda, tumutuntong sa mga matataas na nitso para makapagmando ng saranggola. Ung lugar kasi, malapit sa dagat (Lingayen Gulf), kaya masyadong mahangin.

d d w we s w w w e w

Pagkatapos naming dumalaw sa camposanto, pumunta naman kami sa Bantayan, sa may Pangapisan Norte. Dun ang ancestral land ng mga Fernandez. Land kasi lupa na lang ang natira, tinibag ang malaking bahay nina Lola at Lolo noon dahil kinakain ng dagat ang lupa. Ilang dipa na lang at lalamunin na rin ang lupain na pagmamay-ari nila, pero with the intercession of God, hindi ito nangyari. Nagpagawa na din ang gobyerno ng kabite (dike na nilagyan pa ng mga bato) para hindi na tuluyang angkinin ng dagat ang lupa. Ang natira na lang sa malaking bahay, ay ung kusina at ung banyo.

e w e w w q

Ang ganda ng tanawin mula sa Bantayan. Ung katabi niyang isla, un ang Dumalandan. Magbabangka ka para makapunta dun from Bantayan. Naikuwento ni Mommy na ang nanay niya tumatawid doon sakay ng bangka dati para makapasok sa pinagtuturuang school.

Pagkabalik sa bahay nina Auntie Nancy, nakita ko ang signboards na ito sa kapitbahay nila. Nakalagay dito ung pangalan ng mga family member na nakapagtapos ng kurso nila. Noong bata pa ako, pinangarap kong magpagawa nito pagka-graduate ko ng college.

a

Binisita ko rin ang pagawaan ng bagoong nila Auntie Nancy. Naikuwento ko na dito dati na gawain naming magpipinsan na isawsaw ang mga hintuturo namin sa mga bagoong para matikman ang mga ito. Kung dati, sa banga nila iniimbak ang mga bagoong, sa mga malalaking plastic container na lang nila iniimbak sa ngayon para makatipid ng space sa pagawaan. At siyempre hindi ko na isinawsaw ang daliri ko sa mga bagoong, alam ko na ang mga lasa nun. Haha!

de d

***

Kinabukasan na ako nagkaroon ng chance na makaligo sa beach. Antagal na akong tinatawag ng beach na ito! Bata pa ako nung huli akong makaligo dito! Hay! Mas makulay ang beach sa Pistay Dayat tuwing May 1.

e e

After the beach, nagsimba kami sa Epiphany Church sa bayan, na dating may pangalan na Church of the Three Kings. Para siyang ipinadron sa Noah's ark, ung mga arrangement ng design ng kahoy sa walls sa loob ng simbahan.

w d fd d d d ws e w d d p

Sayang kasi hindi ako lubusang nakapaglibot sa bayan. Hindi ko tuloy nakuhanan ung provincial jail, ung town plaza (na andaming memories kasi pumupunta kami doon pag may baile o perya), ung Columban school, ung pamilihang bayan, at kung anu-ano pa.

e e

Pagdating ng hapon, pumunta kami ni Mommy sa ancestral house ng mga Fontanilla sa Guilig Street (o Quintos Street). Naabutan naming naglalaro ang mga new batch ng Fontanilla, mga apo nina Uncle Boy at Auntie Sofia. Ung isa diyan, inaanak ko pa. Kaya nagbigay tuloy ako ng maagang pamasko. Haha!

e e e e

Siyempre, picture-picture ako sa mga dati kong tambayan sa Guilig. Ang Jimenez bridge. Ang kinatatakutang abandonadong monasteryo/simbahan. Ang lumang bahay nina Janice, na may nagpapakita daw na white lady at katapat lang ng abandonadong monasteryo. Ang tindahan ni akulaw Adam, na binibilhan ko lagi ng tira-tira at bubble gum na Big Joe (sarado na ung bahay ngayon). Ung tangke ng tubig ng local water district.

w r w ds e e e e e e w

Nakumbinsi din si Mommy na magpunta kami sa Malawa, sa house ng bunso nilang kapatid ni Uncle Boy. 30 minutes away lang daw from Guilig. Waah! Na-joke time kami sa 30 minutes na iyon! Super-mega barriotic ang Malawa! Nasa gitna ng mga palayan at palaisdaan. Konting bahagi lang ang may kuryente. Waah andilim nug naabutan kami ng gabi pauwi. Buti nakapag-picture ako agad ng mga dinaanan namin bago magdilim ng tuluyan.

w hh e e e

***

Beach uli kinaumagahan. Sinamahan ko uli si Daddy doon para maka-inhale siya ng hanging-dagat. Ako naman, nagpi-feeling sirena sa mababaw na bahagi ng dagat. I can't swim kasi, haha!

w w e e e e

Tapos, gumawa ako ng tower. Tower namin ni Kuyatot. Hehe. Ngayon ko lang napansin na tanaw pala doon ang parola sa Sual, at ang transco tower sa Labrador.

2 w w w w w w ww w we we e

Ang ganda talaga ng beach sa umaga! Relaxing!

Pagkauwi, nag-ayos na kami ng mga gamit namin. Bye-bye time na. Pero picture-taking muna sa mga pinsan at kay Auntie Nancy, kasama si Daddy.

w

Nagpaplano kaming magpipinsan ng isang reunion by January 2009. Sana matuloy!

***

Gudlak! Abot ni BF ang Pangasinan!

sw

 

 

More pictures sa Multiply site ko.

Anything?



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content