Habang Jumejebs Ako....
posted by GHV2 on March 18, 2009 at 09:58 AM
as a favorite post

Iniisip ko kung kailan nawalan ng kinang ang bituin ni Dennis Trillo.

Siguro, ung time na nag-deny siya sa pagbubuntis ng isang beauty queen, hanggang sa nanganak ito.

Pero bakit naman naging malaking factor ito? Siguro nawalan ng kumpiyansa ang mga tao sa kaniya, na kinaya niyang i-deny ang anak niya. Nung nagkabukuhan na, saka na lang siya umamin. At nag-sorry.

Pero marami-marami pa rin naman ang nahuhumaling sa kaguwapuhan niya. Un nga lang, parang natabunan na ang talento niya sa pag-arte. Mas gusto ng fans na maghubad na lang siya.

Bakit sa Gagambino, kailangang half-nude siya? Kailangan siguro ipakita ang mga utong niya. Nakaka-titillate.

Tsaka hindi na siya mukhang fresh. Ung guilt niya siguro, nag-reflect sa physical appearance niya. Tinalo na siya ng freshness nila Aljur Abrenica, Aljur Abrenica, Aljur Abrenica.

Haha, hindi naman ako fan ni Aljur. Marami ang natuwa nung nag-tikbalang siya sa Luna Mystica. Half-nude din kasi. Tsaka mabalahibo.

Naisip ko na sa pagyao ni Marky Cielo, si Aljur ang tatanggap ng projects para dito. Sa ngayon, meron siyang afternoon soap. Un nga lang, ang tabang ng akting niya. Parang hilaw na hilaw pa.

Hindi katulad ng mga prutas na tinda sa palengkeng dinaanan ko kanina. Summer na summer ang kahinugan nila. Teka, paano nga pala malalaman kung hinog na ang singkamas? Parang mga ulo ng sanggol ang mga tumpok-tumpok na singkamas sa kariton ng maglalako.

Minsan, mas masarap pa ang naglalako kaysa sa inilalako. Imagine, si Rosanna Roces, nagtitinda ng pinya: "Tikman mo ang P ko." O kaya si Leandro Baldemor, nagbebenta ng tikoy: "Isubo mo ang T ko."

Bakit nga pala hindi na nagpo-produce ng pelikula ang Seiko Films? Sa mga pelikula nila ako natuto ng human anatomy.

Ah, un pala ang boobs. Nakakalunod!

Oh, un pala ang puke. Katakot!

Uhmm, etits ba talaga yan? O labakara?

Naalala ko tuloy kung paano ako pagbawalan ng tiyahin ko (R.I.P.) nung nakinood ako ng Machete 2 sa kanila. Elementary pa lang ako nun, tapos nagsalang ang mga pinsan kong matatanda na ng bala ng Machete 2.

Natutuhan ko sa pelikula na minsan, masarap pala ang kahoy. At mas matigas.

Makapunta nga uli sa Baguio. Bakit ba kasi sa Baguio lang yata me nililok na kahoy na hugis titi. Tsaka bakit exag minsan ang laki ng mga lilok na ito. Nakaka-tempt tuloy. Me nabasa akong blog na minsan, me ginawa siyang masama gamit ang nililok na aring ito.

Which goes back to the question kung bakit lumamlam ang career ni Dennis Trillo. Bakit nga ba?

 dennis

 

***

Kakatawag lang ni Kuyatot ko! Kasama daw siya sa episode ng Dare Duo next week (or baka next time pa.). Ito ung bagong show nina Marc Nelson at Rovilson Fernandez sa QTV Channel 11. Ang dare yata ke Kuyatot e MMDA job. Wala pa masyadong details.

Wehehe excited na ako! Yipee!

***

Kagagaling lang namin ni Daddy sa ospital. Natuwa si Doc kasi mukhang me improvement si Daddy after one week of medication. Sana gumanda na ang X-ray test niya next month.

Thank you po, Lord! Patuloy kaming nananalig!

2 Said So



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on March 19th, 2009 at 12:59 PM
uy text mko pag ipapalabas na yang kay kuyatot ah?

gudluck kamo... :)

roxie (guest)

Comment posted on March 18th, 2009 at 07:14 PM
ahaha. keep it up, kuya rhodge!

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content