Buhos ng Ulan
posted by GHV2 on April 3, 2009 at 02:50 PM
as a favorite post

Hindi katulad ng mga nagdaang hapon ngayong linggo, hindi nagdilim ang langit at walang bumuhos na malakas na ulan. Ang ganda ng sikat ng araw. Tila ngumingiti ang Diyos at lumalagos ito sa kay puti-puting mga ulap, dumadampi sa aking balat. 

Punong-puno ng pangako ang langit. Sa lawak nito, maisisiwalat mo ang lahat-lahat ng laman ng iyong puso. Ito ang naisip ko habang nakatingin dito mula sa sinasakyang bus pauwi ng bahay. Sabay na kami ni Kuya umuwi galing MCU Hospital. Doon siya nag-celebrate ng kaniyang birthday kagabi. Ako naman, mula graveyard shift ay dumiretso na sa ospital para dalawin si Daddy.

Sinabi ng doctor niya na baka umuwi na siya within two to three days. Baka tanggalin na mamayang gabi ang tubo na pang-drain ng tubig sa baga niya at sa paligid ng kaniyang puso. Hinihintay pa rin ang resulta ng biopsy ng na-extract na tubig. Posibleng cancer, sabi ni doc.

Pero wala pa naman resulta, at nananalig kami sa Diyos na hindi niya kami pababayaan. Nothing is impossible with God. At kung iyon ang kagustuhan Niya, Thy will be done.

After namin siyang maiuwi by Saturday or Sunday, siyempre hindi pa dun nagtatapos ang lahat. Continous ang kaniyang medications, plus may required pang CT scan at kung ano-ano pang lab tests na dapat gawin sa kaniya. Hindi pa rin namin alam ang total bill sa ospital. We are hoping na malaki ang maibabawas ng PHILHEALTH ni Kuya (dependent niya si Daddy) at ng senior citizen card ni Daddy.

Sa ngayon, mas gusto ko munang magdiwang na makakauwi na siya. We miss him, a lot. Sobra. Lagi ko nga siyang sinasabihan na miss na rin siya ni Luna, ang aso namin. Sanay kasi si Luna na naglalambing ke Daddy, kasi si Daddy ang nag-alaga kay Luna nung nagka-digestive problem ito nung tuta pa lang.

Malalim pa naman ang balon ng aming pag-asa. Kung umulan man ng malakas ang langit sa mga susunod na araw, tiyak mapupuno ang balon ng grasya. Aapaw, at patuloy na aapaw at aapaw.

Anything?



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content