I am thinking about clumsiness.
Noong bata ako, marami akong sugat sa mga binti ko. Clumsy kasi ako maglakad, o tumakbo. Lagi na lang ako nagagasgas sa pader, o kaya nabubunggo.
Malaki na ako (plus size and all), ganun pa rin. Madalas akong matapilok, mahulog sa nilalakarang mataas na pedestrian lane (sa Baguio, with Cluster 3), makahulog ng tray sa fastfood resto.
Bunga ng ilang beses na pagkakatapilok, mukhang lamog na ang left ankle ko. Pinakagrabeng pagkatapilok ko ung September of last year, na talagang malakas ang paglagatok ng left ankle ko. Hindi ko na nagawang ipatingin ito sa doktor, kahit ilang beses akong kinulit ni Kuyatot na magpa-X-ray.
I was dealing with many problems that time: ilang araw na lang, magbaba-bye na ako sa call center job ko, wala akong ready na next job (even next plan), hindi pa rin gumaganda ang kalusugan ni Daddy. Mas tumimbang sa akin na ipagwalang-bahala ang pamamaga ng sprain ko, mas nanaig na ayokong mabahala ang parents ko.
"Naku, gagaling din yan after two days..."
"Mawawala din ung pamamaga. The pain will subside..."
"Wag nyo na akong alalahanin, nakakalakad pa naman ako ng maayos..."
The pain is still there, lalo pag malamig ang panahon. Funny, when I complained the little pain to my bestfriend Paul Allan, he showed me his left ankle. "Pareho tayo, sis." There is the obvious umbok, like something inside has been moved from its original position, just like my left ankle. "At sumasakit din pag malamig ang panahon, di ba?"
Great, I literally share the pain with my bes. Hehe!
I still refuse to carry the tray at fastfood restos, lalo pag overloaded ng styro at drinks ung tray. I politely ask someone from the staff to carry the tray for me. I bet you, 100%, na malalaglag ko ung (a) buong tray, or (b) matatapon ang laman ng plastic cups.
Madalas din, I am clumsy with my thought, with my words. I become so Emily Blunt, being unconsciously taklesa. I bite my tongue afterwards. Sheesh, bakit nga ba ganun ang nasabi ko, ang mga nabitiwan kong mga salita... I find excuse being drunk (which is a lame excuse, since I don't exceed two bottles of San Mig Light.... Hey, puwede na bang malasing sa isang bote pa lang? Ganun kasi ako...) or being excessively sleepy (yeah, I am dreamy always).
What about being clumsy in love? Dito, kakanta na lang ako:
You got me trippin, stumbling, flippin, fumbling
Clumsy cuz I'm fallin in love
You got me slippin, tumbling, sinking, fumbling
Clumsy cuz I'm fallin in love
So in love with you
Yes, I am no sylph. About clumsiness, I still don't know if it is a good or bad thing. I think it is best to tip the balance of your self scale once in a while, to touch base...
***
Musta naman ang bagong lay-out? Salamat sa template ni up4grabs.
Music :: Clumsy - Fergie
Mood :: chipper
10 Said So

soulfly

---------
baklang-bakla girl ahahhaa!
ingat sa health
GHV2

soulfly

GHV2

soulfly

GHV2

greenlife

nice lay out.
GHV2

greenlife

GHV2
