
Tanong: Paano matatakasan ang reyalidad?
Sagot: Manood ng isang dula.
Pero hindi lang isang dula ang napanood ko noong Sabado. Tatlong "untried, untested, unstaged" plays pa: PAIGAN ni Liza Magtoto, HATE RESTAURANT ni David Finnigan, at ang ISANG ARAW SA KARNABAL ni Nicolas Pichay. Bahagi ang mga dula sa set na "Life is a Trap (Three Plays in Search of Escape)." Sabi nga ni Rody Vera, ang Artistic Director ng Virgin Lab Fest 5, bahala na kaming mga manonood kung bakit ganun nila igrinupo ang mga dulang ito.
***
Paigan ni Liza Magtoto, director: Sigrid Bernardo
Fagen ("Paigan"), an Afro-American soldier who deserted his camp to fight side-by-side with the Filipino revolutionaries, is wanted by the Americans for the price of $600-- a hefty sum at the time. Desperate for money, Pedring captures Fagen and is set to behead him when Tacio, a former comrade, and the Filipina wife of the captive beseech him. The play explores a possible scenario posed by historical essays on the true-to-life story of the guerilla fighter who defected to our side during the Filipino-American War.

Para kay Pedring, matatakasan niya lamang ang kahirapan kapag nakuha na niya ang $600 pabuya sa pagkakahuli sa "taong uling" na si Fagen. Mapapakasalan na niya ang kaniyang nobya (na kapatid ng kasamahan niyang si Tacio), at sigurado nang magiging maayos ang kinabukasan ng sisimulan nilang pamilya.
Tutol naman si Tacio na patayin ni Pedring ang bihag na si Fagen. Dati niya kasing kasamahan ang Afro-Amerikanong sundalong ito sa pakikipaglaban sa mga mananakop na puting Amerikano. Paano nga ba niya maitatakas si Fagen mula kay Pedring? Paano niya makukumbinsi si Pedring na si Fagen ay kaisa nila sa diwa?
Dito na tumakbo ang kabuuan ng PAIGAN. Pilit kinukumbinsi ni Tacio si Pedring na hindi niya dapat ipagkanulo si Fagen sa mga puting Kano. "Kasi naiintindihan niya tayo," ayon pa kay Tacio.
Hindi ko napigilan ang matawa sa sagutan nina Tacio at Pedring tungkol sa pagpapalaya kay Fagen, kung paano nababakla si Pedring na pugutan ang sundalong bihag, kung paano minsan husgahan ni Pedring na parang nababakla na yata kay Fagen. (Baka natural lang sa ating mga Filipino ang pagkabakla? In the play, this joke just came so naturally.)
And how to escape boredom that is history in this play? Through songs (using folk song tunes), dances, hilarious delivery of lines by the actors. Kudos to the four actors of this play, napakahusay nila. Lalo na sa aktres na gumanap bilang nobya ni Pedring/grieving Filipina/US persona/mabaliw-baliw na asawa ni Fagen.
Isang bahagi ng ating kasaysayan ang tinalakay sa dula, isang pangyayari habang sakop tayo ng mga Amerikano. Sa pamamagitan nito, the playwright has presented an examination of the Filipino history and of the present: Bakit ang kapwa mo Filipino, hindi maintindihan ang mga ipinaglalaban mo para sa bayan? Bakit nga ba? Pareho naman tayong Filipino, pareho naman tayo ng wika. Pero iisa ba ang ating diwa?
Hindi ko mapigilang maluha sa pagtatapos ng dula, kung saan pinatugtog sa background ang last lines ng Lupang Hinirang. Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa 'yo. Hindi lang ako kinurot ng dulang isinulat ni Ms. Magtoto, parang isang power punch mula kay Pacquaio ang natanggap ko.
Sa mga larawang iprinisinta sa ilang bahagi ng pagtatanghal, mga larawan mula noon (laban sa Kastila, Amerikano, Hapon) hanggang ngayon (kay GMA, kapwa Filipino), napagtanto ko: history truly repeats itself. Paulit-ulit-ulit-ulit. Maaaring hindi na tayo makatakas.
Ilang nitpick lang:
1. Lighting problem. May pasulpot-sulpot kasing character/s sa dula, at madalas, hindi siya natatapatan agad ng spotlight.
2. Dialogues. Question: kapag period play ba, dapat ang gamit na "tone" ng dialogues ay "naaayon sa panahon?" Pasensya, hindi po ako aral sa pagsusulat ng isang dula.
***
Hate Restaurant ni David Finnigan, director: Victor Villareal
Hate Restaurant is a command. Hate restaurants. Hate them. This play follows the trials and tribulations of a small pancake restaurant during the biggest breakfast of the year. Head chef and restauranteur Lucille is incapacitated after an unfortunate encounter with a giant rat, leaving waiters Louise and Billy and mild-mannered kitchen-hand Toby to handle a booking of 70 businessmen who are suspiciously picky in their requirements.

I must admit, nosebleed ako sa play na ito. Five minutes na mula nang nagsimula ang dula, hindi ko agad nakuha kung ano ang nangyayari sa eksena. Nung ipinakita na na may napatay na higanteng daga ang owner ng restaurant na si Lucille, naisip ko na anti-thesis ba ito ng pelikulang "Ratatouille?"
Hindi pala. Nagsama-sama sa restaurant na ito ang mga taong lubog na lubog sa kaniya-kaniyang problema. Nakadagdag pa na may pagka-weird ang mga tauhan na ito. Tim Burton's characters breathed to life.
Sa pagdating ng samahang Little Friends of Science (LFS) sa kanilang restaurant, lalong naging kumplikado ang kani-kanilang sitwasyon. O pwedeng sabihing naayos nila ang kani-kanilang mga sitwasyon? Ganito, nahanap nila Billy at Louise ang kasagutan sa kanilang mga problema sa tulong ng Siyensiya. Siyensiya with a capital S. Sa pagsanib ng kaniyang pinakamamahal na si Billy sa grupong ito ("They belong to a cult!"), walang kapangyarihan si Lucille na tumanggi nang pilitin siyang maging headquarters ng LFS ang kaniyang restaurant. At si Toby? Ginusto niya na lang tumakas sa sitwasyong iyon, umalis sa pinagtratrabahuhang restaurant, pero...
Naisip ko lang, sa dulang ito ay si Toby lang ang normal sa abnormal na mundo ng restaurant ni Lucille, pero ipinakita na malapit na siyang mawindang sa lahat ng mga pangyayaring kinakaharap niya ("Dead space!"). Nakatulong din na cute at petite ang gumanap na aktres, may pagka-harmless effect at naive ang dating niya. Taliwas ito sa pagkakaganap sa karakter na si Lucille (mannequin-like, lumilipad sa hangin ang diwa); sa karakter ni Billy na punung-puno ng angst/angas/whatever ("Working on adrenaline!"); sa karakter ni Louise na sa wari niya, misunderstood siya palagi (nakayuko, natatakpan ng kulot na kulot na buhok ang kabuuan ng mukha). Nakatulong din sa character na pino-portray ni Louise ang Elizabeth Ramsey-like accent/way of speaking, pero nagsilbi rin itong kahinaan para sa kaniya. May mga nakakatawa siyang linya na hindi ko naintindihan dahil hindi ko gaano narinig.
O baka hindi ko lang talaga na-gets si Louise? Katulad ng hindi ko lubos na pagkaintindi sa katapusan ng dula. Lucille died from what: wheat flour contamination, exhaustion, or guilt? Namatay nga ba siya talaga?
At bakit may-I-come-back ang drama ng higanteng daga? Bakit? BAKIT!!!?????
***
Isang Araw sa Karnabal ni Nicolas B. Pichay, director: Chris Millado
Zaldy and Toni, two friends whose family members have been the victims of forced disappearances, amble along a jologs Karnabal. They grope in the dark shadow of a world weighed by uncertainties and fear. Engaged in the ritual of forgetting, the two friends' undefined relationship adds a nagging ambiguity in their lives making it difficult for them to define a future. Hope, for them can be a tricky sleight of hand; a slow and treacherous rickity ride to hell.

Ganito kaya talaga mag-usap ang dalawang tibak? Na kahit sa pinakaromantikong sandali nilang dalawa, ay nababanggit pa rin ang GLORIA RESIGN! o ang cinematic na pangalan ni Gen. Jovito Palparan?
How bittersweet.
Masinop at buong-buo ang paglalahad sa kuwento ng dula. Epektibong napagdugtong-dugtong ni Mr. Pichay ang mga isyu sa pagitan ng dalawang karakter sa dula, sa mas malalawig pang mga isyu ng deseparecidos at petition movement. May mga cliche na linyang nabigyan ng panibagong twist. Hindi rin nagpigil ang playwright na gawing sobrang katawa-tawa ang ilang eksena, o gawing napakagaan ang mga linyang sadyang malulungkot na.
Lalong napalutang ang kagandahan ng script sa napakahusay na pagganap ng dalawang tauhan sa dula. These two actors seemed to know na sa kanila nakasalalay ang pagiging matagumpay ng script ni G. Pichay, and they did their parts exceptionally well.
At ang roller coaster ride! How imaginative!
Gayong nasa Enchanted Empire tayo ay dapat sadya nating limutin ang mga problema. Pero sa dulang ito, isang realisasyon na ang problema ay sadyang naririto, naririto lamang.
Para kina Toni at Zaldy, wari'y alam nila pareho kung paano matatakasan ang kani-kanilang mga problema: pag-ibig, o basta sadya lang lumimot. Pero naroon ang pag-aalinlangan: ang pagtakas nga ba ang tanging solusyon sa kanilang mga problemang dinaranas? They know that they need to face their problems, kahit pagkatapos nito ay samu't saring mga tanong. Higit lalong walang-katapusang mga tanong.
***
Tanong na katulad nito: Matatakasan nga ba ang reyalidad sa panonood ng isang dula?
Baka may sagot dito.
***
Ganito: mapagtatagni-tagni ang tatlong dulang ito sa pamamagitan ng matutulis na bagay: ang bolo ni Pedring, ang butcher's knife ni Toby, at ang kay talim na dila ni Toni.
Cut both ways.
***
Maraming-maraming salamat kay Gibbs (ayan, minus the "Sir") sa ibinigay niyang pagkakataon sa akin.
Muli, inaanyayahan kayong manood ng mga dulang kasali sa Virgin Lab Fest 5. It will be on its second week starting this Tuesday. Tunghayan ang schedule dito.
2 Said So

ACRYLIQUE (guest)

GHV2
