
Ang Kaligrapo
Gabi-gabi niyang isinusulat
ang pangalan ng pag-ibig.
Sa gamay na sining ng kamay,
Buong hinahon niyang binubuno
Ang pagbuo sa mga guho ng alaala:
Lawa, gubat, araw,
Buong ingat na inilalapat sa pergamino
Ang pinsel na dumudugo sa itim na tinta,
Tinatalunton ang di-nakikitang padron
Ng koi, kawayan, apoy.
Lagi ay hangad na maging detalyado.
Ang bawat kumpas ng kamay ay para
Sa pagkamalapit ng balat sa tubig,
Sa nagkubling katahimikan sa luntian,
Sa masidhing lamuyot sa liwanag.
Ganito rin noong may isang nag-abalang
Taluntunin ang mga di-nakikitang padron ng koi
Sa kaniyang mga pisngi, ang kadawagan ng kawayan
Sa kaniyang dibdib, ang dakilang apoy sa kaniyang pusod,
Isang pergamino itong katawang minarkahan
Ng mga simbolo, na kagaya nitong gamay
Na sining ng kaniyang kamay,
Ay hindi kailanman magawang malimot.
*I have said before na hindi ako magpo-post ng mga tula ko dito sa blog ko, but I guess it's time na palayain na ang mga ito.
*Ang larawan ay mula dito.
2 Said So

soulfly

GHV2
