On letting go of a poem
posted by GHV2 on October 31, 2009 at 12:33 AM
filed under Pinoy Poets on Poetry

I was so happy when I received the good news from CCP Ani people. My two short poems were included in this year's collection: Sa Templo and Pamanhik

Sabi nga ni Xam, at least na-publish na rin sa wakas ang Sa Templo. (Kahit na-publish na ito sa Obverse 2 at sa Sidhay folio.)

I said, yes, finally nga, mapa-publish na ang lumang tulang iyon. (Kahit alam kong hindi naman sa pagpa-publish ng isang tula natatapos ang lahat.)

Ang ikinatutuwa ko talaga ay dahil sa hopefully, makaka-move on na ako sa ganung topic o theme. (Kahit may nagsabi sa akin na the theme is a well one can never exhaust.)

Madalas, mahirap mag-let go ng isang tula. Ang daming kinatatakutan. Ang daming alalahanin.

Sabagay, madaming reasons on letting go of a poem.

Ung sa akin, parang gusto kong sabihin sa tula na sige, gusto ko na tumalakay ng ibang maaaaring matalakay pa. Ilang taon din akong na-stuck sa ganiyang tema.

Ung iba, nagle-let go ng tula kasi mukhang hopeless na ang growth nito. Sabi nga ng isang Pinoypoets workshop panelist noon: Ibasura na ang tulang ito! Mahirap lalo pag may paborito kang linya sa tulang ginawa mo, tapos madadamay ang linyang iyon sa pagkakabasura ng buong tula.

Ung iba, nagle-let go ng tula kasi feeling niya, nabibilang ang tulang iyon sa mas malaking pagtitipon ng mga tula: isang koleksyon o antolohiya.

Ung iba, trash lang ng trash ng mga tula kasi di pa nila napi-feel na ang tulang iyon ang The One. 

Iba-iba man ng dahilan, I would like to believe that letting go of a poem is always, in some degree, a painful process. (Because a process is a process is a process. Kung ano man ang ibig sabihin nito, feel ko lang siyang sabihin.)

***

At nakita ko pa muli ito, na isang pagbasa noon mula kay Louie Jon Sanchez:

Ibang-iba naman ang lirikong sandali na inilahad ni Fernandez sa isa pang tulang napili ko para sa diskuyong ito, ang "Sa Templo." Isang tula ito na handog niya sa isang E, "para sa isang gabing kapiling siya." Sinadya niyang ikubli ang sensuwal na karanasan sa matalinghagang pagdalaw ng persona sa isang tinatawag na templo ng isang libo't isang Buddha. Bago ito para sa akin, at talagang nakapukaw sa malikot (o malisyoso?) kong isip ang enigma nitong tula. Inaalingawngaw nito ang "Lantay" ni Rebecca Añonuevo at "Ang Sabi ko Sa Iyo" ni Benilda Santos.

Sa una'y maaari tayong mahalina nang husto sa imahinasyon at pagpaparamdam na nakapaloob sa tulang ito. Ngunit sa mas matalik na pagbasa, lilitaw ang pinakamalaking suliranin: Subuking tanggalin ang pag-aalay na "Kay E., para sa isang gabing kapiling siya." Ganoon pa rin kaya ang epekto ng tula? Maaaring sadyang malikot lamang ang isip ko sa pagkakahinuhang may "hiwagang" naganap sa pagitan ng makata at ng pinag-aalayan ng tula (ginagamit ko ang makata ngayon at hindi ang persona dahil talaga namang kumpisal ng makata itong tula). Ngunit may makapagpapahiwatig ba ng pangyayaring ito na nakapaloob sa pag-aalay kung hahayaang makatayong mag-isa ang nilikhang tula na wala ang pag-aalay? Halimbawa'y walang pag-aalay, maaaring maligaw pa tayo sa pagmumunakala halimbawa, na isa lamang Budistang ritwal ang lirikong sandali. Datapwa nilinaw naman na dumalaw nga "kagabi" sa templo ang persona na nakahubad.

Hayaan ninyong gamitan natin ng Semiotika ang paliwanag: Kung hindi makikita ang salitang "kapiling," na napakamakahulugan (loaded)--maaaring may kaugnayan sa pagtatalik, di ako makatiyak--magkakaroon pa ba ng kahulugang nakasalig sa nasa o proyekto ng makata ang mga salitang "hubad," "napanganga," "bumukas," "pamumukadkad," at maging ng "balat"? Sa akin, hindi na siya naging sensuwal na karanasan. Mahiwaga siya, oo, pero hindi na sensuwal, na iniisip kong mithing larawan ng makata. Sa lirikong sandali na ipinakita sa atin, higit na naging balakid ang pag-aalay na ginawa ng makata sa (sandaling?) irog. Batid kong mahirap magsulat ng ganitong mga tula, ngunit maaaring balikan ang mga binanggit na tula. May tanong pa nga ako sa makata: Intsik ba si E. kaya pinili mo ang imahen ng Buddha?

***

Santi arrived! Hope it will not become another Ondoy or Pepeng. Fingers crossed!

6 Said So



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on November 1st, 2009 at 06:19 AM
good news! ^^,
Comment posted on November 1st, 2009 at 11:39 PM
Uy, nagbalik ka!
Good news nga! :)
Comment posted on October 31st, 2009 at 09:13 AM
ayan published kna nmn.. wag ka maarte! magsulat ka na ulet..
Comment posted on November 1st, 2009 at 11:39 PM
Gusto ko mag-inarte! Mana ako sa u! Hehe!
Comment posted on November 2nd, 2009 at 10:47 AM
"Mana ako sa u!" punyeta me ganyan? ahha
Comment posted on November 2nd, 2009 at 05:45 PM
Korak me ganyan, hehe!

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content