Lumang LIRA workshop poem
posted by GHV2 on November 4, 2009 at 12:23 AM
filed under Ilang Tula

separation

Paghihiwalay


Iniwan mo akong kapiling ang lagim
Para iyong sundan ang mabining ulan,
Walang tigatig kong niyakap ang dilim.

Ang katotohana’y naglabas ng talim:
Habang mga daho’y nagkukulay-haban,
Iniwan mo akong kapiling ang lagim.

Nagdamot ang langit, gabi’y makulimlim
Pagkat nagluluksa’ng pintakasing buwan.
Walang tigatig kong niyakap ang dilim.

Di mo inunawa’ng samong mataimtim:
Hindi na ba ako ang ‘yong kasiyahan?
Iniwan mo akong kapiling ang lagim.

Ang mundo ko ngayo’y  naging kulay itim,
At ang liwanag ay di na matagpuan.
Walang tigatig kong niyakap ang dilim.

Ang iyong pag-ibig na ubod ng sakim
Ang tanging tumapos sa ‘king kabuluhan.
Iniwan mo akong kapiling ang lagim,
Walang tigatig kong niyakap ang dilim.

 

 

*Ang larawan ay mula dito.

Anything?



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

navigate

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

links

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content