
Bakit Michael Crichton?
Ang ganda kasing diversion ng mga nobela niya. Hindi ung usual na binabasa kong poetry books. Ung mga akda niya, may langkap ng science, thriller, suspense. Nosebleed man ako sa halos lahat ng terms, na nakakatuwang isipin na sa panahon ngayon, parang wala ng imposible sa mga sinasabi niyang hi-tech gadgets sa mga kuwento. Parang lahat, posible na, at baka nagawa na ng mga imbentor.
I particularly like his novel "Rising Sun." Iba ung approach niya dito, kaiba sa mga naunang nabasa ko nang libro niya. Nagulat ako kasi nagustuhan ko itong libro, to think na nagdadalawang-isip pa ako nung binili ko ito. Mukha kasing hindi maganda ang plot. Detective novel kasi, at hindi sci-fi thriller katulad ng Sphere at Lost World.
Hindi ko pa natatapos basahin itong nobelang ito, at talagang napupuyat ako dahil dito. Hehe.
Anything?
